Patuloy ang pagpapakilig ng tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza sa pelikulang Imagine You and Me.
At bilang parte ng kanilang pinakaaabangang proyekto, nagpakilig ang dalawa sa isang duet para sa kanilang pelikula. Inilabas ang music video ng duet version ng kanta nitong Biyernes, June 24 sa Eat Bulaga Facebook page at YouTube channel. Agad itong pumasok sa ating Daily Top 10 Monday edition sa #8 spot. Panoorin ang music video sa ibaba.
Samantala, sa kalyeserye segment ng "Eat Bulaga" nitong Sabado, ipinalabas ang full trailer ng inaabangang unang pelikula ng AlDub. Ang romantic-comedy-drama movie na "Imagine You & Me" ay kinunan sa Italy.
Kasama rin sa naturang pelikula sina Jasmine Curtis-Smith, Yayo Aguila, William Martinez, Luis Alandy, Elijah Alejo, Gerald Napoles, Cai Cortez at Kakai Bautista, sa direksyon ni Michael Tuviera. Ipalalabas sa July 13 ang "Imagine You & Me" kasabay nang unang anibersaryo ng AlDub love team. article source: gmanetwork.com
Don't miss the latest chart action of Top 10 Most Played Songs on Daily Top 10, Weeknights at 6 PM!
|
ARTICLES
Get the latest updates from your favorite music chart, hottest hits and music video releases!
ARCHIVES
September 2019
RECENT ARTICLES
|