Kilala ang OPM band na Silent Sanctuary sa paglikha ng mga kanta tungkol sa pag-ibig. Nariyan ang pinasikat nilang kanta na Ikaw Lamang, Maalala Mo Sana, Rebound, 14, Paalam, Bumalik Ka Na Sa'Kin, Paalam at Meron Nang Iba. At ngayon, isa na namang awitin ang kanilang handog para sa ating lahat. Ito ay ang SA'YO na pumasok sa Daily Top 10 ngayong araw sa ika-8 pwesto. Ang kanta ay kabilang pa din sa album nilang Monodramatic. No music video yet sa YouTube, but you can still listen on this lyric video. Maki-senti na dito. From YouTube user realyrics101. Exciting na ang labanan sa pagitan ng OPM at POP dahil may tig-5 silang entry sa ating chart. Sa OPM nariyan ang Kunwa-Kunwari Lang, Right Where You Belong, Maybe This Time, We Can't Be at Sa'Yo. Sa POP naman ay ang Somebody To You, Really Dont Care, Problem, Love Never Felt So Good at Don't Stop. Aling kategorya ang magwawagi? OPM o POP? Pakatutukan yan sa mga susunod na chart action!
Meanwhile, for today's Top 10 list, click here. Anong masasabi mo sa bagong awitin ng Silent Sanctuary? Patama ba ang kanta SA'YO? Huwag kalimutang mag-iwan ng komento sa ibaba! |
ARTICLES
Get the latest updates from your favorite music chart, hottest hits and music video releases!
ARCHIVES
September 2019
RECENT ARTICLES
|